Dalawampu’t limang oras (25 hours) hanggang Walompu’t limang oras (85 hours) na mawawalan ng suplay ng tubig sa Las piñas, Makati, Maynila, Parañaque, Pasay at Baroor gayundin sa Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa Lalawigan ng Cavite, mula alas-11 ng umaga ng ika 25 ng Oktubre (Lunes hanggang ika-28 ng Oktubre (Huwebes) alas-11:59 ng gabi.
Ayon sa Maynilad Waters, ang pagkawala ng tubig ay dulot ng paglalagay ng drainage sa may kahabaan ng Cristobal Street sa Sampaloc Maynila.
Magsasagawa na rin ng leak repairs at maintainance work sa pumping station doon.
Sa mga araw na nabanggit na walang tubig sa mga naturang lugar, maglalagay ang Maynilad ng labing apat (14) na stationary water tank at Animnapu’t (60) mobile tanker para sa mga apektadong residente sa mga lugar na maaapektuhan ng water interruption.
Source: Pilipino Star Ngayon
#Cavithink
#WaterInterruptions