Ikinagulat na lang ng naghuhukay ng lupa ng makita niya ang kakaibang hugis na ito ng bakal sa Brgy. Bucana Malaki, Naic Cavite. Ayon kay Ololcas Rhem na nagpost ng larawan, ito ay isang uri ng Vinatge Bomb.

“May nahukay po na inaakalang bala sa ating barangay, kayat minabuti na ipaalam ng ating PB. Jessie Pascual sa ating PNP para makuha at ilagay sa dapat paglagyan ang nasabing bala at masiguro ang kaligtasan ng lahat…” -Sangguniang Barangay ng Bucana Malaki

Sa ngayon ay hawak na ng mga autoridad ang nahukay na vintage bomb.

Source: Naic Cavite News & Updates