Nakatakda ngayong araw, Pebrero 8 ang umpisa ng pangangampanya ng mga kandidato sa national sa magkakahiwalay na “proclamation rally” na gagawin sa magkakahiwalay na lugar sa bansa.

Sa Metro Manila, isasagawa ng Aksyon Demokratiko ang kanilang “proclamation rally”, alas 6:00 ng gabi sa Kartilya ng Katipunan na nasa tabi lang ng Manila City Hall, para sa presidential candidate na si Manila Mayor Isko Moreno at vice-presidential candidate Dr. Willie Ong kasama ang senatorial candidates na sina Atty. Jopet Sison, Samira Gutoc at Carl Balita. معلومات عن فريق بايرن ميونخ

Gagawin naman nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan ang kanilang proklamasyon sa balwarte ng una sa Naga City sa Bicol. حساب كاش يو  

Habang sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan magsasagawa ng kanilang proklamasyon ang UniTeam nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, na tanging may mga hawak ng tiket lamang ang makakapasok sa venue upang matiyak ang ‘physical distancing’ sa loob.

Ilulunsad naman nina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Tito Sotto III ang kanilang kampanya sa Imus, Cavite.

Habang sa General Santos City ikakasa ni Sen. Manny Pacquiao at dating Buhay party-list Rep. Lito Atienza na isasagawa sa General Santos City Oval Plaza. الى اين انتقل كريستيانو رونالدو

Magmimistula namang labor rally ang proklamasyon ni  Leody De Guzman at running-mate niyang si Walden Bello sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2022/02/08/2159296/kampanya-ng-national-candidates-umpisa-ngayong-araw

#Cavithink

#