Arestado ang tinaguriang Top 2 Most Wanted person ng lalawigan ng Eastern Samar na nahaharap sa kasong panggagahasa sa magkasanib na operasyon ng Manila Police District (MPD) at Borongan City Police sa pinagtataguan nito sa Imus City, Cavite noong sabado ng hapon.
Kinilala ang mga nadakip na si Nerio Afable, 62 anyos, may asawa, farm caretaker, tubong Brgy. San Mateo, Borongan City, Eastern Samar, at naninirahan ngayon sa Sitio Polo, Brgy. Anabu 2-C Imus City, Cavite.
Inihain ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Elvie Picardo Lim, Presiding Judge ng RTC Branch 1, Borongan City laban kay Afable dahil sa kasong rape na walang kaukulang piyansa.
Nabatid na may isang taon nang nagtatago si Afable makaraang gahasain ang kanyang kapitbahay sa Borongan City. Una siyang nagtungo sa bahay ng kaniyang kapatid sa may Parañaque city bago nakarating sa Cavite at nakakuha ng trabaho bilang caretaker ng isang farm ng sili.
Ayon kay MPD director, P/Brig. Gen. Leo Francisco, “As a result of inter-unit partnership between local Police and Manila’s Finest operatives we were able to get relevant and accurate information of his whereabout and immediately conducted covert operation. Unbeknownst to him, he was under surveillance for quite sometime by said tracker team through operational research and with the help of our confidential informant, he was finally collared.”
Pansamantalang nakaditine ang suspek sa MPD-Pandacan Police Station 10 habang hinihintay ang disposisyon ng korte sa pinal na pagkukulungan niya habang dinidinig ang kaso.
Source: Pilipino Star Ngayon
📸: Shutterstock & Ephrat Livni
#Cavithink
#ImusCityCavite