Tatlong katao ang kumpirmadong nasawi habang ang tatlo naman ay kritikal sa magkahiwalay na aksidente kahapon. Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang unang biktimang si Bernardino Lagudas ng Rosewood Village, Niog 2 Bacoor City makaraang sumabit ang minamaneho nitong Honda na motorsiklo sa unang container/ trailer truck na hindi nakilala ang driver dakong alas-2:54 ng madaling araw. افلام كرة السلة
Nabatid na bumabagtas ang biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. موقع باي بال الالكتروني Panapaan IV nang sumabit ito sa nasabing truck na hindi nakilala ang driver at tuluyan nang umalis.
Dakong alas-2:20 naman ng madaling araw nang masagi ng isang pampasaherong bus na minamaneho ni Gilbert Zamudio, 37, ng Brgy. Mabolo, Naic, Cavite ang isang motorsiklo na minamaneho ng biktimang si John Michael Cesa Villanueva, 20, ng Cesa Compound, Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite.
Ayon sa ulat, habang bumabagtas si Villanueva sa A. Soriano Highway, Brgy. Calibuyo, Tanza nang masagi ito ng pampasaherong bus nang magmaniobra sa kanang bahagi ng kalsada. Tumilapon ang biktima na napuruhan sa ulo at naging dahilan ng kamatayan nito.
Kasabay nito, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang masalpok ng isang Eco Sport na may plakang AIA4659 at minamaneho ng isang Daniel Apostol, 28, ng Blk. 5 L31 Phase 6A, Tierra Nevada Subdivision, Brgy. نادي أتلتيكو مدريد San Francisco, Gen. Trias City ang dalawang magkasunod na motorsiklo na pawang bumabagtas sa kahabaan ng Open Canal Road sa Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City.
Sa tindi ng salpukan, patay ang isa sa rider na si Ronnel Gomez, 33 habang kritikal ang backrider nitong si Janice Medina, 30, ng Gen. Trias City.
Ginagamot din sa ospital ang dalawang sakay ng isa pang motorsiklo na sina Chariess Mae Astero, 30, at backrider nitong si alias “Claire”, kapwa taga-Gen. Trias City.
Source: Pilipino Star Ngayon
📸: Safeopedia
#Cavithink
#GenTrias
#Tanza
#Cavite