Bubuksan ng Lungsod ng Tagaytay ang kanilang vaccination program para sa lahat ng mga Caviteño.

Ayon sa Social media post ni Mayor Agnes Tolentino, ipinahayag niya na layon ng kanilang LGU na makakatulong ito sa pagkamit ng kabuuang herd immunity sa Lalawigan ng Cavite.

“Para mapalawak natin ang pagbibigay ng bakuna at mapabilis ang pagkamit ng herd immunity ng iba’t ibang lungsod o bayan ng CAVITE, ang TAGAYTAY CITY ay nagbukas ng pintuan upang tumulong sa pagbabakuna sa LAHAT NG CAVITEÑO,” aniya ni Mayor Agnes.

“Sama-sama tayong abutin ang #HerdImmunity! Sama-sama tayong proteksyunan ang ating sarili.”- dagdag ng Alkalde.

Para sa mga interesado narito ang kanilang proseso:

1. Magrehistro at siguraduhing tama ang detalyeng ilalagay sa: https://docs.google.com/…/1FAIpQLSdmCQuoPke…/viewform…

2. Maghintay lamang ng mensahe para sa schedule ng inyong bakuna.

Source: Agnes Tolentino, DMD (Fb) / Go Cavite

#Cavithink

#TagaytayCity

#Resbakuna