SOURCE FROM: GO CAVITE PAGE AND HON. RANDY SALAMAT/FACEBOOK

#GoCavite #GoBatangas #Alfonso #Taal

Katuwang ang ilan pang karatig na lokal na pamahalaan at maging ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, tumulong ang probinsiya ng Cavite sa pag-agapay sa mga residente ng Laurel, Batangas sa kanilang paglikas bunsod ng pagpaparamdam ng Bulkang Taal, Hulyo 1.

May nakaantabay na Swab Testing Team at Rescue Vehicles para sa mga residente ng Laurel, gayundin ang mga itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Alfonso, Cavite na mga naka-standby na Personnel at Guards para sa kaligtasan ng mga ito. Bago pa man dalhin ang mga residente sa itinalagang evacuation center, sumasailalim muna sa antigen test at contract tracing ang mga evacuees upang masiguro ang kanilang pangkalusugang kaligtasan. Naisagawa ang naturang pagtulong sa mga residente, matapos magkaroon ng Phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal nitong Miyerkules dakong alas-3 ng hapon, ayon sa PHIVOLCS-DOST.

Sa post ni Alfonso Cavite Mayor Randy Salamat, ibinahagi niya ang detalye at anunsyo ng naging paghahanda ng kanilang grupo at ng iba pang lokal na pamahalaan sa pagtulong sa mga apektado ng pagpaparamdam ng bulkan.

Samantala, pinapayuhan na manatili pa ring alerto at mag-ingat sa lahat ng pagkakataon.