Aprubado ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyong ibalik muli ang paggamit ng face shield dahil sa nakaambang banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Ani Duque, mayroon umanong ebidensyang magpapatunay na epektibo ang paggamit ng face shield bilang karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na virus.

“It has been proven that if you use face mask and face shield and you observe physical distancing, the protection rate is 95 percent,” ani ni Duque sa isang panayam nitong nagdaang Lunes, Nobyembre 29.

“Let’s not go the way of other countries in Europe which relaxed their mask mandate and social mobility. We saw what happened – there was a surge in cases there,” dagdag pa nito.

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na magsagawa ng pag-aaral kung dapat nga bang ibalik ng paggamit ng face shield dahil sa banta ng Omicron.

Sa kasalukuyan, boluntaryo na lamang pagsusuot ng face shield para sa mga lugar na nasa ilalim na alert level 1-3.

Source: Go Cavite

📸: AARP

#Cavithink

#Pilipinas