Naaresto ng mga otoridad ang isang 25 anyos na lalaki na miyembro umano ng Belong Carnapping Syndicate, kahapon sa Brgy. Dacon ng General Mariano Alvarez, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Jayson Tublino, a.k.a ‘totoy’, residente ng B64, L1 sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, naghain ng warrant of arrest ang intelligence operatives ng GMA police laban sa suspek para sa kasong theft na inisyu ni Hon. Perla V. Cabrera-Faller, Presiding Judge ng Regional Trail Court Fourth Judicial Region, branch 90 Dasmariñas City.
Napag-alaman na bukod sa warrant ng kasong theft, may isa pa palang warrant ang pulisya para sa kasong 2 counts ng unjust vexation na inisyu ni Hon. Josielyn D. Lara-De Luna Presiding Judge Municipal Trial Court Carmona Cavite Formerly 5th MCTC Carmona at GMA Cavite na inisyu ni Hon. Maria Concepcion M Serrano-Altea, Presiding Judge of Municipal Trial Court in Cities Biñan City ng Laguna.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa GMA Police station.
Source: Pilipino Star Ngayon
📸: HONK
#Cavithink
#GMACavite