Noong Agosto 25, 2021, ang Pilipinas ay nakapangasiwa na ng kabuuang 31,433,450 na dosis ng bakuna sa buong bansa na may 13,371,734 na indibidwal nang nabakunahan.

“Magpabakuna na po. Libre, ligtas, at gumagana ang bakuna, anuman ang brand nito,” saad ni Sec. Roque.

Binigyang diin din ni Roque na ngayong malapit na ang NCR sa target na proteksyon ng populasyon, ang mga bakuna ay pantay na ibabahagi sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila at sa mga lugar na nakakaranas ng Covid-19.

Sa Region 4A lamang ay makakatanggap ng 3.814 milyong dosis ng bakuna sa darating na Septyembre 2021.

“Para sa natitirang ika-apat na kwarter ang Region 4A ay makakatanggap ng pinakamalaking paglalaan na nasa 17,475,388 na makikita sa huling kwarter.

Magkakaroon po ng almost 20 million dosages na good for 10 million. So inaasahan po natin na makakahabol po ang plus areas sa Metro Manila.

Bukod sa Region 4A, ang Region 3 naman ay makakatanggap rin ng malaking bahagi ng mga bakuna sa darating na ika-apat na kwarter na may 17 milyon na bakuna.” dagdag ni Roque.

Nagbigay ng kasiguraduhan si Sec. Roque kay Cavite Governor Jonvic Remulla patungkol sa nasabing bakuna.

Source: Harry Roque Facebook Page

#Cavithink

#Cavite