Marami sa mga residente ng Silang, Cavite ang hindi sang-ayon sa pagputol ng 68 puno sa kahabaan ng Silang-Aguinaldo Highway para sa (Road Widening Project).
Noong ika-16 ng Oktubre, nag viral ang post ng isang residente patungkol sa naging proyekto.
“Mayroong humigit 60+ na puno na dapat putulin dahil sa napipintong pagpapalawak ng kalsada sa kahabaan ng Silang-Aguinaldo Highway. Ito ay para bigyang daan ang mga sasakyan at ang pagdagsa ng mas maraming sasakyan sa sandaling mabuksan ang CALAX (Cavite-Laguna Expressway)” -ayon sa petisyon ng Change. org.
“Sa mga panawagan para sa pagkilos upang labanan ang pagbabago ng klima, bakit hindi pakinggan ng ating Gobyerno ang panawagan? at bakit lagi nilang tinututukan ang pagbibigay ng prayoridad sa minorya ng mga Pilipinong nagmamay-ari ng sasakyan?”
Noong ika-21 ng Oktubre may kabuuang 558 katao ang pumirma umano sa petisyon.
Sa isang Facebook post noong ika-19 ng Oktubre, ipinahayag ni Mayor Corie Poblete na nalulungkot din siya na ang mga puno ay dapat putulin.
Ayon sa kaniya, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nakipag-ugnayan sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) hinggil sa usapin.
Sa pagrepaso sa mga patakaran at pagsuri sa sitwasyon sa lupa, napagdesisyunan na ang pagputol ng puno ay kailangang magpatuloy upang maiwasan ang pinsala sa kalsada mula sa mga ugat at aksidente mula sa mga sanga.
Source: Manila Bulletin
: Czarina Rosana Marla / Fb
#Cavithink
#SilangCavite