Mahigit sa P.7 milyong halaga ng nasira ang sasagutin ng isang driver matapos araruhin ng minamaneho niyang truck ang poste ng Meralco sa Carmona, Cavite Linggo ng umaga.

Personal na inireklamo ni Clodmar Patano, 44, investigator ng Meralco si Rodrigo Guanizo, 27, driver ng Isuzu Win Van truck na nakarehistro sa pangalan ng Auto Land Subic Motors Corporation.

Sa ulat ni PSSgt Charles Virtudez, ng Carmona Police Station, minamaneho ni Guanizo ang nasabing Isuzu truck patungo sa direction ng Binan City, Laguna alas-11:30 kamakalawa ng umaga pero pagsapit sa isang zigzag na bahagi ng kalsada sa Brgy Mabuhay ng nasabi ring bayan ay nawalan umano ito ng kontrol sa kanyang manibela at banggain ang poste ng Meralco.

Source: Abante / Cavite Connect

#Cavithink

#Carmona