Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lo­renzo T. Eleazar ang lahat ng chief of police na i-update ang listahan ng mga ‘tulak’ o drug personalities sa kanilang nasasakupan kaugnay ng kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Ginawa ni Eleazar ang kautusan matapos ang pagkakasamsam 809 kilo ng shabu kamakailan sa Zambales, Bataan at Cavite na indikasyong malawak  at malaya pa rin ang operasyon ng sindikato ng  ilegal na droga sa bansa dahil na rin sa tulong ng mga ‘ tulak’ sa barangay. 

Aniya, batay sa kautusan ng Pangulong Duterte  kailangan na isumite ng mga COP ang updated list ng kanilang priority targets na nagbebenta ng ilegal na droga sa kani-kanilang lugar.

Ayon sa PNP chief , ang sunud-sunod na  drug ­operations ay patunay na malawak  pa rin ang bentahan ng shabu na nangangailangan ng  maigting na kampanya ng mga awtoridad. Hindi lamang mga bultuhan ang dapat na inoo­perate at tinututukan ng mga pulis kundi ang mga ‘tulak’ sa barangay na siyang nagpapakalat o nagbebenta na  ng mga ito. 

Binigyan diin pa ni ­Eleazar na hindi rin alintana sa mga sindikato ang  pan­demya kaya nanawagan siya sa mga barangay officials na makipagtulungan sa PNP upang matukoy ang mga salot na ‘tulak’ na galamay ng drug syndicate sa komunidad.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/09/14/2126977/tulak-sa-mga-barangay-tukuyin-eleazar

📸: Rappler

#Cavithink

#Cavite