Arestado ng pulisya ang isang lalaking may diperensya sa pandinig at pagsasalita matapos pasukin ang bahay ng isang pulis at pagnakawan, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.
Kasalukuyan ngayong nakakulong sa Dasmariñas Police ang suspek na si Jeffrey Detate, nasa hustong gulang, residente ng Blk 9, Lot 14 Brgy. Fatima 1, Dasmariñas City.
Bandang alas-5:20 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ni Ace Mercado Paredes, 39 na isang pulis ng Dasmariñas City at residente ng No.547 Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.
Ayon sa salaysay ng biktima, nasa kasarapan siya ng tulog ng mga oras na nabanggit nang marinig niya ang tuloy- tuloy na pagtahol ng kanilang aso. كزينو
Agad itong bumangon at sumilip sa bintana, dito niya nakita ang isang lalaki na may bitbit na malaking plastic na patakbo na sana palabas ng kanilang bakuran.
Agad na tumakbo si Paredes at hinabol ang suspek at nang maabutan ay narekober ang isang malaking plastic na may lamang sari-saring gamit mula sa bahay nito. طريقة لعبة الضومنه
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.
Source: Pilipino Star Ngayon