Tumataas ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Cavite ayon sa Department of Health (DOH) posibleng may community transmission ng mga nakakahawang Delta Variant sa Calabarzon.

Ayon sa naitala ng DOH nitong lunes, halos umabot na sa 10,114 ang bilang ng mga aktibong kaso sa nasabing lalawigan habang nananatili naman sa “high risk o nasa 75.1 porsyento ng mga kamang okupado na sa mga pagamutan.

Sa naitala ng Provincial Health Office, nangunguna sa listahan ang Bacoor City sa may pinakamaraming aktibong kaso na higit sa 2,000. Sinundan naman ito ng DasmariƱas City na may higit 1,000 aktibong kaso maging sa Silang at General Trias City na higit 800 ang mga aktibong kaso.

Sa Bayan ng Silang, ini-lockdown ang ilang purok sa Barangay Ulat kung saan dumarami ang kaso ng Covid-19 matapos ma detect sa isang residente doon ang Delta Variant.

Pinatutukan ni Silang Mayor Corie Poblete ang mass testing at pagpapabakuna sa nasabing barangay.

Ayon sa pahayag ni Mayor Poblete “Patuloy ko pong pinapakiusap na mag-ingat at huwag po tayong mag-panic dahil agaran po natin itong inaaksyunan. Panatilihin ang pagsusuot ng face shield, facemask at magkaroon ng social distancing upang hindi na kumalat ang sakit.”

Sa Lungsod naman ng Imus, tinututukan na ang pagpapabakuna sa A4 priority group o economic frontliners, kung saan 250 tricycle drivers ang target mabakunahan araw-araw.

“Sa kanilang araw-araw na pamamasada ay hindi maikakaila na sila’y talagang exposed sa Covid-19. Kaya’t bilang suporta sa kanilang sektor at sa ligtas na pagbawi ng ating lokal na ekonimoya, mayroon tayong nakalaan na bakuna para sa kanila kasama ang iba pang economic frontliners.” -Mayor Emmanuel Maliksi

Source: ABS CBN Tv Patrol

šŸ“·: CNN Philippines

Patuloy na Panalangin, pag iingat at panatilihing sumunod sa mga health protocols CavithinkƱos

#Cavithink

#CaviteCovid19Update