Patay ang isang 40 anyos­ na factory worker makaraang suyurin ng isang van habang papatawid sa Brgy. Bancal, bayan ng Carmona kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Maribeth Purificaion, 40-anyos, may asawa, at residente ng #1306 Brgy. Lantic, Carmona, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Cpl. Rommel Samorin, alas 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan papatawid ang biktima at nakatakda na sanang pumasok sa trabaho nang bigla na lamang itong sinalpok ng isang Isuzu Wing Van na may kabilisan ang takbo. Sa lakas ng pagkakasalpok sa bijtima ay tumilapon ito at lumagapak sa sementadong highway.

Agad namang isinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang nasabing driver.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/11/27/2144068/factory-worker-inararo-ng-van-dedo

📸: Gulf News

#Cavithink

#Carmona