Isang 66 anyos na lola ang nasawi matapos matumbok ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus, Cavite kamakalwa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Lola Maria Bartolay Orceo residente ng Brgy. Buhay na Tubig. Habang sugatan naman at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motor na nakilalang si Armstrong Albios Pinto, 49 anyos.

Sa imbestigasyon, alas 9:40 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Buhay na Tubig Road kung saan naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada nang tumbukin ito ng Honda ZN125MK Motorcycle na minamaneho umano ng suspek.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang matanda habang sumempalng at sumadsad ang motor kasama ang suspek.

Hindi umabot ng buhay ang biktima sa pagamutan habang kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang suspek.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/10/25/2136432/66-anyos-na-lola-tinumbok-ng-motor-tepok

šŸ“ø: Gabriel Bonjoc

#Cavithink

#ImusCavite