Nasabat ng mga awtoridad ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ang labing tatlong parcels (13) na naglalaman ng 1,200 na pinatuyong marijuana at binhi nito mula sa isang courier company sa Lungsod ng Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa pahayag ng PDEA sa naging K9 inspection ni NDD Adam ay nakakita ng positibing indikasyon sa mga parcels na naglalaman ng nasabing marijuana. Kasama rin sa inspeksyon ang Interdiction Unit-Batangas at PDEA Batangas Provincial Office.
Ininspeksyon at binuksan ng mga ito ang kahinahinalang mga parcels sa harap ng mga saksi upang matiyak ang pagiging lehitimong operasyon kung saan nasabat ang halagang P144,000 na marijuana.
Haharap sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nagpapadala ng mga naturang parcels na hindi binigyang pagkilala.
Source: The Manila Bulletin & Go Cavite
#Cavithink
#DasmariñasCity