Patuloy na dinadagsa ng publiko ang mga drugstores sa bansa na nagresulta nga­yon ng pagkaubos ng paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon na nauuso ngayong Enero.

Sa kabila nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang gamot. Ito ay kasunod ng mga reklamo ng publiko at post sa social media ng mga netizen na halos wala nang mabilhang gamot sa mga malalaki at ma­ging maliliit na botika.

“Huwag mag-hoard, mag-panic buying o bumili ng mga gamot nang hindi naman kinakailangan ang publiko para mabalanse umano ang suplay.” Aniya ng DOH

Ayon pa sa DOH, matapos na makarating sa kanila ang ulat hinggil sa umano’y shortage ay agad nilang kinonsulta ang mga pangunahing botika at lokal na manufacturer at suppliers ukol sa estado ng suplay ng mga gamot. Dito umano tiniyak sa kanila na walang ‘shortage’ na nagaganap.

Ngunit kabaligtaran ito sa inilabas na paha­yag ng drug manufactu­rer na Unilab na sinabi na pansamantalang wala muna silang stock ng iba nilang brands ng gamot sa mga piling botika.

“This is to inform the public that some of our brands are tempora­rily out of stock in select drugstores due to extraordinary demand,” abiso ng Unilab.

Ipinaalala naman ng DOH na may mga alternatibong generic brands sa merkado na mabibili sa ilang mga botika sa buong bansa.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2022/01/05/2151901/drug-stores-dinadagsa-paracetamol-nauubos

#Cavithink

#Paracetamol