Isang karinderya sa Dasmariñas City, ang biniktima ng lalaki dahil sa ‘palit-pera modus’ matapos magkunwaring bibili ng sinigang na baboy.
Ayon sa ulat ng GMA News nitong Lunes, makikita sa CCTV ng karinderya ang salarin na kunwaring bibili ng sinigang at nag-abot ng pambayad na P1,000 papel.
Nang ibigay ng nagtitinda ang kaniyang sukli, biglang sinabi ng salarin na ayaw na niya ng sinigang at babawiin na lang ang ibinayad na P1,000.
Pumayag naman ang nagtitinda at nagbigay ng P1,000 sa lalaki at kinuha ang nauna niyang isinukli.
Ang lalaki namay kaagad pinalitan ng P100 papel ang natanggap na P1,000, at sinabihan ang nagtitinda na nagkamali ito ng perang ibinigay sa kaniya.
Kaagad namang umalis ang lalaki nang makuha ang P1,000, habang nalaman ng nagtitinda na siya’y nabiktima nito modus nang suriin ang CCTV.
Courtesy: Adrian Pardo Salasbar
Source: Proud Caviteño and GMA News
#Cavithink
#DasmariñasCity