Nagsisimula na ang pagkakawatak-watak ng mga partido ng mga pulitiko. Kani-kaniya na ring gibaan ang mga magkaribal na partido ngayon.
Katulad na lamang sa nangyayari kay Cavite City Mayor Bernardo Paredes. Si Paredes ay nanungkulan simula 2001-2010 at 2013-2021. naging maganda ang resulta ng pamamalakad ni Paredes sa Cavite City kaya umangat ang pamumuhay ng mga mamamayan sa kaniyang nasasakupan.
Ngunit ngayong papalapit na muli ang eleksyon 2022, ginigiba na ito ng mga mayayaman at maimpluwensyang pulitiko ng Cavite. Binabraso na ng mga ambisyosong politiko ang nasa likod ng kasong isinampa kay Paredes. Halata na ang motibo ay pambabaraso dahil ang kasong isinampa ay naganap pa noong 2017. Sabagay, botante na ang magdedesisyon sa Mayo 2022 eleksyon.
Habang abala na ang mga pulitiko sa gibaan, marami naman sa ating mga kababayan ang naghihikahos sa buhay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Maraming negosyo ang nagsara matapos magpatupad nang napakahigpit na health protocols at ang resulta, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Pero kailangan nilang kumita dahil kung mananatili sila sa kanilang mga tahanan ay mamamatay sila sa gutom. Dapat silang gumawa ng paraan para mabuhay.
Kapansin-pansin na marami nang mamamayan ang nais magpabakuna kontra COVID-19. Umaapaw ang mga vaccination site sa dami ng mga gustong magpabakuna. Tama ito sapagkat tanging bakuna lamang ang maaring panlaban sa virus. Sana marami na ang mabakunahan at nang maabot ang herd immunity.
Maging matalino sa pagboto ngayong nalalapit na ang Halalan 2022.
Source: Pilipino Star Ngayon
📸: Bigstock
#Cavithink
#Halalan2022