AYON sa Facebook post ni Governor Remulla sa kaniyang Official Page ay nakasaad dito na nakakatanggap sya ng iba’t ibang reklamo dahil sa paggamit ng videoke. Di lingid na ito ay ang madalas na pampalipas oras ng bawat Pilipino.

Ayon kay Governor Remulla, “Nitong mga nakaraang buwan, isa sa pinakamadalas na reklamo ng ating mga kalalawigan ay ang walang sawang pag-abuso sa pag-gamit ng Karaoke, Videoke o KTV. Ito ang paboritong libangan ng mga walang magawa mula kinagabihan hanggang madaling-araw.”

“Sorry po ngunit kahit sabihin ninyo pang kayo ay nasa loob naman ng inyong tahanan, ang ingay na dulot nito ay maituturing na labag na sa tinakdang curfew hours.”

Nagbigay rin ito ng numero na dapat tawagan kung mayroon na makikitang lalabag dito.

PNP ACTION LINE

BABALA: Tayo po ay may HOTLINE na laban sa mga abusado at hindi marunong umintindi sa ibig sabihin ng NOISE Pollution. Paki-text po sa +63 916 986 0679 ang inyong mga hinaing at daing para matigil at mabawasan na ang mga walang kwenta at maiingay na nag-kakantahan lalong-lalo na ang mga lasing at wala sa tono. Ito po ang PNP Action Line. Ang instructions ko po ay idaan muna sa mapayapang pakiusap. Ngunit kung pasaway pa rin at sila pa ang galit, ito ay magiging DISOBEDIENCE TO AUTHORITY na.

Samantala, isang Barangay sa Silang, Cavite sa panguguna ni Kapitan Cris Reyes ng Barangay Biluso ay una naring nagpatupad ng kaparehong panuntunan. Ito ay naglalayon na hindi maabala ang mga bata habang sila ay nasa Online Class.