Sa isang online press briefing, ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na mayroon pa ring mga motupropio petition laban sa ilang kandidato na hindi pa nareresolba.

“For our individual candidates, the original expectation was that we will release it by December 15. I don’t know if we will be able to make it exactly December 15.” -ayon kay James Jimenez

We still have two days to resolve these cases. Once they are resolved, then we can come out with the list of official candidates.” dagdag pa ni Jimenez

Noong nakaraang buwan, sinabi ng poll official ang motu propio cases para sa deklarasyon bilang nuisance candidates ay naihain na laban sa 82 sa 97 presidential aspirants, 15 sa 29 para sa bise presidente at 108 para sa senador mula 176.

Samantala, ang partylist raffle para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng kanilang listahan sa opisyal na balota ay magpapatuloy sa Martes ng ika-14 ng Disyembre taong 2021.

Nauna nang ini-reschedule ng Comelec ang partylist raffle mula Disyembre 10 hanggang 14 para magkaroon ng pagkakataon ang mga party list group, organisasyon, at koalisyon na may mga nakabinbing insidente na makukuha ng status quo ante order mula sa Korte Suprema.

Source: Manila Bulletin

#Cavithink

#Eleksyon2022