Isang British national ang natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Puting Kahoy sa bayan ng Silang.
Kinilala ng Silang Police ang biktimang si David Anderson Sinclair, 67 anyos, may asawa at retirado, naninirahan sa Phase 4 Blk 66 Lot 9/11, Santa Heights Subdivision, Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang misis nito na si Mina Grant, 64 anyos ang nag-report sa kanilang himpilan dahil sa insidente ng pagkamatay ng biktima. Nabatid na alas-4:10 ng madaling araw nang madiskubre ng misis nito ang biktima na wala nang malay. Dahil dito, agad namang humingi ng tulong ang ginang upang maitakbo sa pagamutan ang asawang dayuhan.
Gayunpaman, idineklara ng mga manggagamot sa Medical City South Luzon Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna na dead on arrival ang matandang mister.
Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng Briton ayon na rin sa kahilingan ng kanyang misis, para malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.
Source: Proud Caviteño
#Cavithink
#Silang