Isang Caviteño ang solong nakapag-uwi ng 42 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalwa ng gabi.

Batay sa isang PCSO advisory, nabatid na matagumpay na nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 07-25-08-03-12-05 ng Mega lotto 6/45 kaya’t napanalunan nito ang jackpot price na P42,282,132.80.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang winning ticket sa Tanza, Cavite. بي اوت مباشر

Pinayuhan ni Garma ang lucky winner na upang makubra ang kanyang napanalunang premyo ay magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs at ang kanyang winning ticket. beout live

Hinikayat muli ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto, gayundin ang iba pang PCSO games, upang makatulong sa pamahalaan na makalikom ng mas maraming pondo para sa kanilang health programs, medical assistance and services at mga kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. betfina

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2022/03/30/2170827/p42-milyong-jackpot-sa-lotto-nasolo-ng-caviteo

#Cavithink

#LottoJackpot

#TanzaCavite