Sinimulan ng Local Government Unit (LGU) ang pagbabakuna para sa mga edad 12 hanggang 17 noong Miyerkules ika-3 ng Oktubre, 2021.
Limampung menor de edad na may comorbidities ang na-inoculate sa unang araw ng pagbabakuna sa pedatric at ang pamahalaang munisipyo ay nakatakdang dagdagan ang bilang ng mga bakunang ibinibigay para sa mga menor de edad sa mga susunod na araw.

“Hindi namin pwedeng i-todo agad, kumbaga pinakikiramdaman din namin, what are the problems that will arise (We can’t accommodate the maximum number right away, we’re also trying to pinpoint what are the problems that will arise),” -Municipal Health Officer Dr. Maria Hilda C. Bucu.
Humigit-kumulang 1,800 menor de edad ang nakarehistro na para sa pagbabakuna.
Ngayon po, uunahin natin, eksklusibo sa mga bata na taga-Noveleta. Pero hopefully, pag natapos din natin ito, io-open din natin siya. Welcome yung mga taga-ibang lugar (For now, it’s exclusive to Noveleta residents. But hopefully, in due time, we can also open it to minors from other places),” aniya ni Mayor Dino Reyes-Chua.
Noong ika-25 ng Oktubre sinimulan na ng LGU ang pagtanggap ng mga non-resident vaccine applicants para makatulong na mapabilis ang pagkakamit ng herd immunity sa Cavite.
Source: Manila Bulletin
#Cavithink
#NoveletaCavite