Nag patawag ng pagpupulong si Imus City Mayor Emmanuel Maliksi nitong Huwebes ika 22 ng Hulyo 2021. Kasama ang Imus Anti-COVID 19 Task Force at ang mga kinatawan ng ospital sa lungsod upang mapag usapan ang gagawing mga hakbang laban sa nagbabantang Delta Variant ng Covid 19 na ngayon ay nasa lungsod na ng Cavite.

Sa kabila ng kasagsagan ng malakas na ulan ay siniguro ng lungsod na makakapaghanda agad sila upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing variant.

Ipinababatid ng DOH IV-A na nakapagtala na ng limang mga kaso sa buong rehiyon ng CALABARZON kung saan ang dalawa ay nagmula sa Cavite.

Source: City Government of Imus and Go Cavite

#LabananAngSakuna

#Cavithink