Ayon sa Facebook page ni Mayor Corie Poblete sa lungsod ng Silang, nagsagawa ng Rescue Operation ang Pamahalaan sa pangunguna ng Silang PNP, STMO, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Task Force badjao upang sagipin ang mga individual na badjao na makikita sa nasabing bayan.

Itinipon sila sa isang lugar upang bigyan ng counseling kasama ang mga pulis. Pagkatapos nito, sila ay agarang inihatid sa kanilang lugar sa Batangas.

Paalala rin ng Silang Municipal Police Station na kung may makikita pa tayong mga ‘badiao’ ngayon sa Silang, agaran na ireport sa tanggapan nila para maibalik sa tunay nilang tahanan.

Source: Mayor Corie Poblete facebook page

#Cavithink

#Silang