Ayon sa Faceook page ni Governor Jonvic Remulla, ipinabatid niya ang pagpapaluwag sa videoke ban na unang ipinatupad sa lalawigan.

Aniya, “Maglalabas po ng bagong ordinansa ang Sangguniang Panlalawigan tungkol sa isyu ng videoke ban. May leeway ng kaunti ngunit hindi pa rin maaari ang UNLI-BIRIT.”

Matatandaang unang ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan ang pagbabawal sa videoke 24/7 dahil nagiging rason ito ng pag-uumpukan o pagsasama-sama ng mga mamamayan. Bagama’t papayagan na ng paunti-unti ang nasabing aktibidad, nagbibigay paalala ang gobernador na maging disiplinado ang bawat mamamayan.

“Maawa naman kayo sa mga kapitbahay ninyo. Marami sa mga work from home at kabataang nag-aaral ang naiistorbo sa ingay ninyo. Habang ang mga seniors ay kailangan ng sapat na pahinga. Kaunting respeto naman po,” pahayag ni Remulla.

Sa kasalukuyan ay inaantabayanan pa ang kabuuan ng panibagong ordinansa ukol sa isyu.

Source: Governor Jonvic Remulla & Go Cavite

#JonvicRemulla

#Cavithink

#VideokeBan