Patay ang 53 anyos na mister matapos pagbabarilin ng isang hinihinalang “Hired Killer” sa isang parking area sa Brgy. San Agustin lungsod ng Trece Martires City kamakalwa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Cesar Caseras, 53 anyos at residente ng Brgy. Cabesas, Trece Martires City.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Rene B. Bibon, alas 7:55 ng gabi habang nasa parking area ng Mojica Building sa Brgy. San Agustin ang biktima nang bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan ang isang armadong lalaki at agad siyang pinagbabaril.

Nang bumulagta ang mister, mabilis na tumakas ang suspek tangay ang ginamit na armas.

Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang salarin habang wala pang malinaw na motibo sa naganap na krimen.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/11/08/2139696/lalaki-itinumba-sa-parking-lot

📸: Bohol Chronicle

#Cavithink

#TreceMartiresCity