Masayang ibinahagi ni Mayor Randy Salamat na aprubado na ang nirerequest ng pamahalaan ng Alfonso kay Governor Jonvic Remulla ang Mini Public Hospital sa nasabing bayan sa taong 2023 na pagpapatayo nito sa may Mangas 2.
“Ito po ay napakahalaga upang mabigyan ng maagang lunas ang mga kababayan nating may mga karamdaman. Muli po, mula sa mga Alfonseños maraming maraming salamat po Sir Alvin Mojica at lalong lalo na sa ating ginagalang na Gov. Jonvic Remulla.” aniya sa kaniyang facebook post.

#Cavithink
#AlfonsoCavite