Naging temporary evacuation center muna ang Brgy. Hall ng Poblacion 4 sa GMA, para sa limang pamilyang naapektuhan ng landslide dulot ng Bagyong Fabian.

Sa tulong ng mga MET TEAM at lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod at maging ang mga barangay officials ng Poblacion 4, siniguro nila na nasa maayos na kalagayan ang mga inilikas. Namahagi rin sila ng food packs sa mga evacuees.

Saludo si Mayor Maricel Echevarria Torres sa mabilis na pagresponde ng mga barangay officials ng Poblacion 4 sa pamumuno ni Kap. Enia Santillas.
Pinapaalalahanan di ng alkalde sa mga mamamayan ng kanyang nasasakupan na handa ang lokal na pamahalaan sakaling kailanganin silang ilikas bunsod sa masamang panahon.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng GMA LGU sa MDRRMO upang mabantayan at mapaghandaan ang mga posible pang maging epekto ng bagyo.
📷 & Source: Cavite Connect and Mayor Maricel Echevarria Torres
#Cavithink
#GMA