Arestado ang apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa Laguna provincial office ng Barangay Sabang, Dasmariñas, kung saan nasamsam ang P600,000.00 halaga ng hinihinalang Marijuana.
Ayon sa ulat ng ABS CBN News, umabot sa karatig probinsya ang pagbebenta ng iligal na droga ng mga suspek.
Kasabay rin sa isinagawang operasyon nakuha rin ng mga autoridad mula sa mga suspek ang (paraphernalia) at mga gamit sa pagrerepack ng iligal na droga.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga autoridad kung saan nagmumula ang suplay ng iligal na droga na kanilang ibinebenta sa mga parokyano.
Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang apat na suspek.
Source: ABS CBN News and Go Cavite.
#Cavithink
#DasmariñasCity