Nagpahayag ng kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na kaya nitong tapusin ang pag-imprenta ng mahigit 67 milyong balota para sa darating na halalan sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemya.

Ibinunyag ng poll body nitong Martes na sisimulan nito ang pag-imprenta ng 67,442,714 na mga balota ngayong araw Enero 19 hanggang Abril 21 taong 2022.

Ang unang iimprenta ay ang 1.6 milyong balota para sa manual na pagboto sa ibang bansa at para sa absentee voting.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, namumuno rin sa ballot printing commitee noong Martes sa virtual media, mayroon silang 4 (apat) na available printing machine na maaaring makagawa ng higit sa 1 m ilyong balota sa isang araw.

“May bago tayong printer na acquire natin for the 2022 elections. Yung dalawa pa, nagamit na noong 2019. Rest assured that we will do the printing on time” dagdag pa niya.

Source: The Manila Times

https://www.manilatimes.net/2022/01/19/news/national/printing-of-ballots-starts/1829878

#Cavithink

#Comelec

#Halalan2022