Patay ang magpinsang sakay sa motor, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Lumil- Pooc road Brgy. Pooc 1, Silang, dito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Gladier Alcaraz, 17-anyos, estud­yante, residente ng Silang Cavite na dead-on-the spot at namatay habang ginagamot sa ospital ang pinsan nitong si Mark Je­rald Alcaraz Asinas,  23 na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Johnny Dumangeng, dakong ala-1:00 ng madaling araw habang binabagtas ng mga biktima sakay ng MC Honda click (329OQF) ang kahabaan ng  Lumil-Pooc Road sa naturang barangay nang mawalan ng control at sumemplang sa daan.

Ayon rin sa isa pang pinsan ng mga biktima na si Ivan Alcaraz, galing sa birthday party ang mga biktima at papauwi na nang maganap ang insidente.

Malamang umanong dahil sa kalasingan ng mga biktima kung kaya naganap ang aksidente.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2022/04/21/2175631/magpinsan-sumemplang-sa-motor-patay

📸: CBS 58

#Cavithink

#SilangCavite