Nag labas na ng panibagong ordinansa ang Lungsod ng Tagaytay sa mga batang edad 5 pataas. Executive Order No. 378, series of 2021 ng lokal na pamahalaan nitong Hulyo 16, alinsunod sa alituntunin na inilabas ng IATF kamakailan.

Ayon dito kahit may pahintulot na ang pamahalaan, kinakailangan pa rin ang patnubay ng mga magulang o nakakatanda. Higit lalo sa mga pasilidad at establishimento sa lungsod.

Ngunit ipinag babawal pa rin ang mga entertainment venues kagaya ng mga sinehan, bars, theaters at maging ang concert halls. Kahit ang amusement parks, theme parks, playgorunds, play rooms at mga kiddie rides ay mahigpit pa rin na ipinagbabawal.

Sa mga establisyimento sa Tagaytay, maaari lamang magbukas ng operasyon at tumanggap ng bisita ang mga mayroong accreditation mula sa Department of Tourism (DOT).

Pag-iingat at patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa lungsod.

Source: City Gouvernment of Tagaytay and Go Cavite

Image by: Vacation Hive

#Cavithink

#Tagaytay

#GoCavite