Nauwi sa pagpatay ang love triangle nang barilin ang 49 anyos na mister ng isang lalaki na ex-lover ng kanyang kinakasama, naganap ito kamakalawa ng gabi sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Buhay na Tubig Lungsod ng Imus. Cavite.

Kinilala ang biktima na si Ariel Mallari, residente ng Block 1 Lot 18 Delight Street, Happy Homes ng nasabing barangay. Nakatakas naman ang suspek na si Jeff Rosales, residente ng Barcelona Subdivision ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PSSg Mark Anthony Salvador, na siyang may hawak ng kaso, alas-9:05 ng gabi ay nasa loob ng kanyang bahay ang biktima at nagpapahinga, nang may kumatok sa pinto ng bahay. Binuksan umano ito ng Biktima at bumungad sa kaniya ang suspek na galit na galit at hinahanap ang kinakasama nito na si Josette Antillon 43 anyos.

Agad namang pinuntahan ng biktima ang kaniyang kinakasama sa kanilang banyo at sinabing hinahanap siya ng suspek.

Hindi pa man nakakalabas ng banyo si Antillon nang makarinig ito ng sunud-sunod na putok ng baril at nang siya’y makalabas mula sa banyo ay nakita nito na ang biktima ay duguang nakahandusay habang ang suspek naman ay agad na tumakas.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/09/25/2129502/mister-inutas-ng-ex-ng-ka-live-in

šŸ“ø: iStock

#Cavithink

#ImusCity