Hindi na umabot pang buhay ang isang 69 anyos na lolo na si Florentino Hije Sr., sa pagamutan matapos araruhin ng isang delivery truck ang minamaneho nitong E-Bike (Electronic Bike) kamakalwa ng hapon sa kahabaan ng C.M Delos Reyes Road sa Brgy. Dagatan, Amadeo.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng truck na si Jomar PlaĀ­cido, 30-anyos. Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Arvin Balbuena, alas-2:50 ng hapon habang minamaneho ng biktima ang kaniyang Electronic bike (NWOW) nang bigla siyang araruhin ng Foton delivery truck na may plakang EAA 2433 na minamaneho ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon, nagtangka umanong gumitna ang E-bike dahilan upang hindi ito naiwasan ng delivery truck at nahagip nito ang biktima. Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon umano ang biktima na agad nitong ikinamatay habang total wreck ang sinasakyang E-bike nito.

Source: Pilipino Star Ngayon

šŸ“ø: OpIndia

#Cavithink

#AmadeoCavite