Tadtad ng saksak nang madiskubre ang katawan ng mister matapos umanong pagsasaksakin ng isang 78 anyos na lolo ang kaniyang kainuman sa tinutuluyang kubo kahapon ng umaga sa bayan ng Silang sa Cavite.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jeofrey Gane, 52 anyos, isang magsasaka at residente ng Purok 1, Brgy, Biga 1 Silang, Cavite.
Samantala, arestado naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya na kinilalang si Anthony Madrid, residente rin ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Ramil Legaspi, alas 6:50 ng umaga nang makita ang biktima ng kapatid nito na si Aimer Rala Gane, 50 anyos, na naliligo sa sariling dugo na nakahandusay sa tinutuluyan nitong kubo.
Nabatid na bago ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa suspek sa mismong kubo nito na siyang hinihinalang may kagagawan sa krimen.
Source: Pilipino Star Ngayon
📸: The Sun Nigeria
#Cavithink
#SilangCavite