Kasalukuyang ikinakabit na sa Barangay San Antonio De Padua 1, Dasmariñas, Cavite ang ipinangakong libreng Wi-Fi sa pamumuno ni Governor Jonvic Remulla ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo, 14.


Sa pangangasiwa ni Brgy. Captain Carter P. Manzano. Kasalukuyang kinukumpleto na ang posibleng makatulong at makaabot hanggang sa covered court ng naturang lugar.
Taos puso ang pasasalamat ng Brgy. Council sa programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, kung saan inaasahang makakatulong ito higit lalo sa mga estudyanteng nag oonline study.
Source & Image by: Renato Rosaceñia Ignacio & Go Cavite
#Dasmariñas