Ayon sa social media post ni Mayor Barzaga, tumanggap ng halagang isang libong piso (P1,000.00) na tulong pinansyal ang mga residente ng Mabuhay City Subdivision mula sa lokal na gobyerno ng Dasmariñas na apektado ng localized total lockdown.

Makikita sa larawan ang pag iikot ng miyembro ng LGU upang maipaabot ang tulong pinansyal, gamot at bitamina. Kasama sa namahagi sina SPM Kiko Barzaga, HAFCOD Federation President…. at iba pang officers at volunteers.

Ibinahagi rin ni Mayor Barzaga na sa kabila ng nararanasang sitwasyon dulot ng pandemya, ang pamahalaang bayan ng Dasmariñas ay laging bukas para tumulong sa mga nangangailangan.

📷: Mayor Jenny Austria-Barzaga

Source: Mayor Jenny Austria-Barzaga Fb page

#Cavithink

#Dasmariñas