Isang lalaki na nagbebenta ng endangered wildlife species ang ina­resto sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) sa Cavite.

Kinilala ni Northern NCR MARPSTA chief P/Major Randy Ludo­vice ang suspek na si Julliane Gwen Bumanlag, 20 ng Sec. 10 Blk. 12, Lot 5 Brgy., San Francisco, Gen. Trias Cavite.

Ayon kay Ludovice, nagawang makabili ni Pat. Ecequiel Fabillar na nagsilbing poseur-buyer ng P4,500 halaga ng isang Brahminy Kite Hawk at P6,000 ng isang harrier Hawk na endangered wildlife species sa pamamagitan ng “Omar Trinidad” account sa messenger at babayaran ng cash on delivery.

Kaagad bumuo ng team ang MARPSTA sa pangunguna ni P/Capt. Luisito Balatico, kasama si PLT Leonilo Garces at PCMS Nemesio Garo II saka ikinasa ang entrapment operation sa parking area ng isang drug store sa Aguinaldo Highway, Brgy., San Francisco, Gen. Trias Cavite.

Nabatid na isang 39-anyos na Grab delivery rider ang magde-deliver ng naturang pa­ckage sa Navotas Fish Port Complex, subalit  sinabihan ito ng mga pulis na makipagtulu­ngan at ibalik ang natu­rang package sa may-ari. مكان يورو 2022

Dakong alas-7:54 ng gabi kamakalawa ma­tapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa Grab driver na tinanggap na ng suspek ang package na may endangered species, agad na dinamba ng mga pulis at inaresto si Bumanlag. كيف تلعب روليت

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2022/02/04/2158377/lalaking-nagbebenta-ng-endangered-wildlife-species-timbog-sa-maritime-police

#Cavithink

#GenTrias