Nadakip ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 2 Most Wanted ng Parañaque City sa isinagawang operasyon ng mga ito kamakalawa ng hapon sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ng awtoridad ang nasabing suspek na si Amancio Eresmas, 64 anyos residente ng Bella Vista, Brgy. Santiago sa nabanggit na lugar.

Alas 4:00 ng hapon nang nagkaroon ng warrant ­operation ang pinagsanib na puwersa ng District Anti Carnapping Unit and Intelligence Division, AC, DACU, DID/D2 at General Trias City Police sa Bella Vista Subdivision matapos mamataan ang suspek kung saan ito tumutuloy.

Bitbit ang warrant of arrest para sa kasong rape and acts of lasciviousness na inisyu ni Hon. Jaime M. Guray, Presiding Judge of RTC Br. 260 Parañaque City ay tinungo ng grupo ang tinutuluyan ng suspek at inaresto.

Source: Pilipino Star Ngayon

📸: iStock

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/10/05/2131834/lalaki-na-may-kasong-rape-sa-paraaque-naaresto-sa-cavite

#Cavithink

#GenTrias