Isang lady therapist ang nakaligtas sa kapahamakan matapos manlaban sa isang barker na pumasok at nagpanggap na kustomer sa kanilang spa at tinangka umano siyang gahasain kahapon ng madaling araw sa Brgy. Bayan Luma, Imus City, Cavite.

Nanginginig pa sa takot ang biktima habang kinakausap ng pulis na nakilalang si Criselda Sican, 19 dalaga, therapist ng Precious Cares Spa at residente ng nabanggit na Barangay.

Agad namang naaresto ang suspek na nakilalang si Virgilio Rubin, nasa hustong gulang at residente ng Panapaan, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, alas-2:30 ng madaling araw habang naka duty ang biktima sa kaniyang pinapasukang spa nang pumasok ang suspek at nagpanggap umanong customer.

Nang makitang walang ibang tao sa nasabing Spa, agad nitong tinutukan ng patalim ang biktima at tinangkang gahasain.

Nanlaban ang biktima at nagsisigaw, sa taranta ng suspek ay nagtatakbo ito palabas subalit bago tuluyang tumakas ay kinuha nito ang pera sa kaha bago tuluyang tumakbo.

Narinig ng mga residente at barangay tanod ang paghingi ng saklolo ng biktima kung kaya agad nilang hinabol ang tumatakas na suspek at naaresto.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/12/09/2146686/spa-pinasok-lady-therapist-tinangkang-gahasain

#Cavithink

#ImusCity