Si konsehal Ruben Ferma ng Bayan ng Mendez ay suspendido dahil sa ilegal na tupada. Siya rin ay lumabag sa mga alituntunin na ipinatutupad habang nasa ilalim ng Community Quarantine.
Ang paglabag ay naganap noong Enero 23, 2021, sa kanilang lote sa Barangay Anuling, Mendez, Cavite. Kaarawan din umano ito ng may sakit na kapatid ng konsehal.
Pinatawan ng labing limang Araw na suspensyon si Konsehal Ruben Ferma dahil sa paglabag niya sa ilegal na sabong.
#Cavithink
#Mendez