By James Relativo(Philstar.com) –  January 26, 2021 – 4:00pm

Kita sa larawang ito ang mga residente ng Barangay Marana 2nd, City of Ilagan habang naghihintay ng ayuda

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang nasa 1,173 sariwang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, dahilan para umarangkada ito pataas sa 516,116.

Nasa 30,357 pa rin diyan ang “aktibong kaso” o yaong mga nagpapagaling pa sa ngayon mula sa virus.

Samantala, 94 naman ang bagong talang patay dahilan para umabot sa 10,386 ang total domestic deaths ng COVID-19. Pumalo naman na sa 475,423 ang gumagaling dito sa mgayon.

Lugar na may pinakamalaking bagong kaso

  • Cebu City, 84 (Modified General Community Quarantine)
  • Davao City, 67 (General Community Quarantine)
  • Cavite, 51 (MGCQ)
  • Quezon City, 47 (GCQ)
  • Rizal, 41 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw?

Kanina lang nang ilathala ng publiko ng gobyerno ang mga rehiyong nagpapakita ng “increased growth” sa COVID-19 cases. Kasama riyan ang:

  • National Capital Region
  • Ilocos Region
  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • CALABARZON
  • Central Visayas
  • Eastern Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • CARAGA

Bukod pa riyan, “high risk” naman daw ang sumusunod na area kung average daily attack rate ang titignan:

  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Baguio City
  • Benguet
  • Dagupan City

LOOK: Areas with increasing COVID-19 infections @PhilippineStar @PhilstarNews pic.twitter.com/1InQ1NWwKp

— Alexis B. Romero (@alexisbromero)  January 26, 2021

“Kapag umabot na [sa critcal health care capacity level ang Cordillera at Davao Region], it will be a factor in escalating the [quarantine] classification in these two areas,” ani presidential spokesperson Harry Roque kanina.

Umaabot na sa halos 98.9 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na ‘yan, 2.12 milyon na ang binabawian ng buhay. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero