Dalawang suspek sa paninikil ng pera sa isang babae sa lungsod ng Dasmarinas ang naaresto ng pulisya sa isang entrapment operation, nitong Huwebes, Hulyo 15.

Batay sa paunang pagsisiyasat, nakatanggap ang biktima na si Gloria Silva y Banaag, 59, ng tawag mula sa isang lalaki na nais itago ang kaniyang pagkakakilanlan bandang alas-9:35 ng umaga noong Hulyo 15.

Sa naturang tawag ay ipinaalam ng lalaki na mayroong nagbayad sa kanya upang patayin ang biktima. Pagkatapos ay nag-alok ang suspek at humiling ng pera na nagkakahalaga ng P100,000.00 mula kay Banaag upang hindi niya ito mapapatay. Gayunpaman, tumaas ang demand ng suspek sa P250,000.00 kapalit umano ang usb na naglalaman ng lahat ng mga plano kung paano papatayin ang biktima.

Dito na humingi ng tulong si Banaag sa pulisya kaya’t kaagad na naisagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pag-aresto kina Isagani Aliño y Albarado, 24, at Vermon Delfin y Albarado, 18, sa Molino-Paliparan Road, Brgy Salawag, Dasmariñas City.

Source: Cavite PNP, Dasmarinas CPS & Go Cavite

Image by: BBC

#Cavithink

#Dasmariñas