Arestado ang isang jail guard dahil sa pagkasawi ng isang motorcycle rider matapos nitong masalpok habang bumabagtas sa Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Melchor Das Ilen, 42, jail officer ng Bureau of Jail and Management Penology na nakatalaga sa Naic station. Siya ay nahaharap sa kasong homicide at Damage to Property sa Tanza Prosecutor’s Office. Kinilala naman ang biktima na si Mark Ferdinand Coluna, 26, na namatay habang dinadala sa Tanza Family Hospital bunsod ng inabot na matinding pinsala sa katawan dahil sa pagkakabangga sa kanya ni Ilen.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at bumabagtas patungong A. Soriano Road nang salpukin ng isang marked vehicle na minamaneho ni Ilen sanhi upang bumagsak ang biktima.

Agad isinugod ang biktima ng mga responder sa nasabing ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2022/05/19/2182089/jail-guard-arestado-sa-pagkasawi-ng-rider-sa-cavite

#Cavithink

#Tanza