Ayon sa social media post ni Congressman Pidi Barzaga, binisita niya mismo ang gumuhong istraktura sa Barangay Paliparan 3. Ayon sa mga rescuers at CDRRMO, pitong tao ang nasaktan at ang lima naman ay dinala sa pagamutan at may dalawang tao na hindi na nagpadala sa ospital.

Depektibo ang pundasyon at undersized ang steel bars na ginamit sa istrakturang gumuho ayon sa unang imbestigasyon. At wala ring building permit ang naturang istraktura ar ang contractor naman ay walang business permit o legal na papeles para magpatayo ng istraktura sa nasabing lungsod.

Sina Mr. Justine Ong at ang John-cel Builders contructor na pag aari ni Engr. Jonello Protomartir ay kasalukuyang iniimbistigahan na ng mga pulis para sa kasong isasampa laban dito.

“Wala po tayong problema sa mga businesses na nagbibigay ng trabaho para sa taong bayan; ang problema lang natin ay kung may nararapat silang mga permit, papeles na nagbibigay kaligtasan sa mga manggagawa at mga taong gagamit ng building. Kaya paalaala sa lahat bago kayo magsimula ng anumang istraktura kinakailangan may building permit at ang contractor ay may business permit to do business in the City of Dasmariñas.” Aniya ni Cong. Pidi Barzaga.

Source: Cong. Pidi Barzaga

Posted by Cong. Pidi Barzaga on Tuesday, August 17, 2021

#Cavithink

#DasmariñasCity