Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pulisya sa Cavite na imbestigahan ang pagkamatay ng isang siklista na ang katawan ay nakitang nakahandusay sa kahabaan ng Abaya Road, Brgy.Tabon, Kawit, Cavite noong Oktubre 3.
Unang hininalang ang biktimang si Kenneth Ponce ay biktima ng hit-and-run nang matagpuan itong nakahandusay, subalit nang suriin ang katawan ay may tama ito ng bala ng baril sa likod.
Nawawala rin ang mountain bike ng biktima kaya ipinasasama na sa imbestigasyon na binaril ito para agawin ng mga kawatan ang kaniyang bisikleta.
“Inatasan ko na ang mismong Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 4A na si P/Brig. Gen Ely Cruz na tutukan ang kasong ito at gawin ang lahat upang matukoy at mapanagot ang sinumang may kagagawan ng krimeng ito,” Aniya ni Eleazar.
“Nakarating sa akin ang apela ng mga magulang ng isa nating kababayang bike rider na walang awang pinatay at pinagnakawan pa ng bisekleta sa Cavite. – Cristina Timbang
Source: Pilipino Star Ngayon
📸: Mark Demayo
#Cavithink
#Kawit